03 December 2006

Tara Tayo’y magDotA: Isang Pagaaral sa Kaugaliang Pilipino at Varayti ng Wikang Nabubuo sa Paglalaro ng DotA


Ang larong DotA ay nilalaro sa isang kompyeter shop na may LAN o kaya sa bahay na may Battlenet o GG client. Sa kadahilanang naka-LAN ang isang kompyuter shop, nagkakaroon ang isang manlalaro ng ugnayan sa kapwa manlalaro. Kung mapapansin, habang naglalaro at pinindot ang ENTER sa keybord, nagkakaroon ng pagkakataon makipag-usap ang manlalaro sa kapwa manlalaro. Ang chat sa DotA ay halos walang pinagkaiba sa chat sa text messaging o sa pagchachat sa internet. Tulad ng text messaging at chat, nagkakaroon ng bagong varayti ng wika sa larong DotA.

Ginagamit ng bawat manlalaro ang chat para maging mabilis ang komunikasyon sa bawat isa. Ginagamit din dito ang istilo ng text messaging, ang pagpapaikli ng mga salita. Ayon sa website na http://www.angelfire.com/va/pinoydude/fliptest.html, ang mga Pilipino daw ay mahilig mag paikli ng mga salita tulad ng O.A. (over acting) o kaya ay ang salitang air-con (air conditioner). Kung minsan ang mga Pilipino ay pinapaikli pa ang salitang napakaikli na. Ayon sa aking mga nakapanayam na manlalaro, pinapaikli nila ang mga salita dahil sila ay nakikipagchat habang naglalaro. Kailangan daw masabi sa mga kakampi ang nais sabihin sa mabilis na paraan. Ginagamit din ang chat sa DotA upang makipagusap ng palihim sa kalaban. Madalas ginagamit ang chat para gumawa ng plano kung paano papatayin ang isang hero. Dahil sa ganitong pagkakataon nakakabuo ng bagong termino sa pamamagitan ng DotA.

Ang mga bagong terminong nabubuo sa paglalaro ng DotA ay maaring hatiin maraming bahagi. Una, ang mga salitang pinapaikli o pag-abreviate. Ilan lamang sa halimbawa ng mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
1. RMK/RM – remake – ginagamit na salita kung suko na ang isang kopoanan at gusting bumawi o makipaglaro sa kalaban
2. DR/MKB/BKB/MOM – divine rapier/monkey king bar/ black king bar/ mask of madness – ilan lamang sa mga gamit na pampalakas ng hero.
Pangalawa, ang mga salitang pinapaikli sa pamamagitan ng pagkakaltas ng mga letra. Isa itong paraan upang mabilis ang komyunikasyoin sa bawat isa. Ilan lamang sa halimbawa ng mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
1. Epi – epicenter – isang malakas na abilidad ni Sand King, isang hero sa DotA.
2. Chrono – Chronosphere - isang malakas na abilidad ni Dark Terror, isang hero sa DotA.

Pangatlo, ang mga salitang may ibang ibig sabihin. Ang mga salitang ito ay ginagamit upang labis na maunawaan ang ibig ipahiwatig ng mga manlalaro. Ilan lamang sa halimbawa ng mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
1. Papel – hindi nito ibig sabihin na papael na sinusulatan sa halip sa hero na konti lang ang buhay
2. No int –kadalasaang sinasabi sa mga hero na strength type o sa mga hero na konti lamang ang kakayahang magcast ng abilidad.
3. Makunat – kadalasang ginagamit sa mga hero na mataas ang armor.
4. Asim – ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng panghahabol ng kalaban sa isa pang kalaban kahit na ito ay pabalik na sa kanayang base.
Pang-apat, mga salitang kanto o mga salitang di kaakit-akit. Ginagamit ito ng mga manlalaro upang mang-asar lamang ng kapwa manlalaro. Ilan lamang sa halimbawa ng mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
1. Asa – salitang ginagamit kapag muntikan nang mamatay ang isang hero. Ginagamit din ito kung halatang walang kaya ang isang hero sa kapwa hero. Ang ilang halimbawang pahayag ng mga manlalaro sa salitang asa:
a. “Asa kang mapapatay mo ko!!!!!”
b. “Wag ka nang umasang mananalo ka sa akin”
2. Greedy Bitch – salitang ginagamit kung ang kalaban ay gusting pumatay kahit nasa panganib narin ang buhay nito.
At ang panghuli, ang mga salitang ginagamit kahit hindi na naglalaro ng DotA. Marahil sa impluwensya ng laro, nagagamit narin ng kabataan ang mga kataga sa DotA sa pangaraw araw na pagsasalita, di kaya’y nadadala lang ito ng kanilang kaadika sa paglalaro ng DotA. Ilan lamang sa halimbawa ng mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
Wind Walk
-Isang abilidad ng hero para tumakbo ng mabilis at mawala sa paningin ng kalaban.
-- Isang terminong ginagamit sa pagtakas ng isang tao sa isang lugar.
Backstab
-Isang abilidad ng hero na tumira sa likod ng kalaban at magkaroon ng mas malakas naatake rito.
--Isang abilidad ng tao na pagsabihan ng masama ang kapwa kapag ito ay nakatalikod.

Ilan lamang ito sa mga salitang ginangamit sa paglalaro ng DotA. Ang iba sa mga salitang ito ay ginagamit na rin habang nakikipag usap sa mga tao kahit nasa labas na sila ng kompyuter shop.

Ang bawat nilalalang na ginawa ng Diyos ay maykakayahang magisip. Kung tayo ay nasanay sa isang bagay mahirap na itong tanggalin sa ating pagkatao. Tulad nalamang ng mga pamahiin na pinaniniwalaan paein ng ilan hanging ngayon. Tulad din ng wika mayroon na tayong nakasanayang wika. Di maipagkakaila na ang nakasanayang wika ay ginagamit parin hangang ngayon. Ginagamit ang nakasanayang wikang ito sa larong DotA. Kahit sa pagchat nagagamit parin ang nakasanayang wika. Ang paggamit din ng tamang ayos ng pangungusap ay ginagawa rin sa larong DotA. Hindi na nga mawawala ang nakasanayang wika ng mga Pilipino kahit haluan pa ito ng bagong varayti ng wika.

Karamihan ng naglalaro ng DotA ay mga kalalakihan, sa kadahilanang ang ang lorng ito ay masyadong mapangahas. Sa katotohanan, hindi lamang ang kalalakihan ang pwedeng maglaro ng DotA. Ito ay pwedeng laruin ng kahit sinuman, babae man o lalake. Mayroon ding mga babae na mas magaling pa sa lalake kaya hindi rini masasabing ang DotA any para lamang sa kalalakihan.

May mga positibong epekto ang DotA sa kaugalian ng kabataan. Una, nagbibigay ito ng kasiyahan sa kabataan. Marahil ito ang pangunahing dahilan ng pagkakabuo ng DotA. Pangalawa, natututong dumiskarte ang mga kabataan. Kailangan ng diskarte sa larong DotA upang manalo. Sa larong DotA napapaunlad ang pakikisama at pagkakaisa. Sa kadahilanang may mga kakampi sa pag-lalaro, kailangan makisama ka sa mga kakampi mo, kung ang isang koponan ay di magkakaisa, maari silang matalo sa laro. Napapaunlad din dito ang pagiging isport. Ang pagtanggap sa pagkatalo ay isang napakabuting ugali ng isang Pilipino. Dahil sa bagong varayti ng wikang nabubuo sa DotA, na papaunlad din nita ang social na aspeto ng isang kabataan. Natututo ang isang tao na makipagusap sa mga kakampi. Ilan lamang ito sa mga positibong epekto ng DotA.

Mayroon din itong negatibong epekto sa kaugalian. Nagbibigay ito ng kaadikan sa mga bata na nagtutulak sa kanila na hindi pumasok sa klase. Pangalawa ay ginagawang sugal ang DotA na pinagpupustahan ng mga bata. Ito rin ay pwedeng magdulot ng gulo o away kung natalo sa pustahan ang isang koponan. Sa larong ito ay pinapakita ang pagpapatayan ng mga hero na pwedeng magdulot ng negatibo sa pagiisip ng mga kabaaan. Dahil din sa DotA, ang mga kabataan ay nakakagawang tumakas sa kanilang mga magulang. Naiisip din ng mga kabataan na kumupit ng pera sa magulang na pamusta sa DotA. Sa bagong varayit ng wika, nagkakaroon ng mga mura sa pagdoDotA. Ang iba ay isinisigaw ang mga salitang ito at ang iba naman ay sinasabi ito sa mga chat. Ito ay ilan lamang sa mga negatibong epekto ng DotA sa kabataang Pilipino.


May himalang nangyayari sa larong DotA. Kung mapapanisin ang mga taong kakatapos lang mag laro ng DotA, sila ay magkabati at nagtatawanan. Habang naglalaro, parang galit na galit sila sa isa’t isa. Napapanatili ang pagsasamahan sa DotA sa pamamagitan ng isang masarap na kwentuhan pagkatapos maglaro. Sila ay naguusap-usap parin gamit ang bagong varayti ng wikang nabubuo sa paglalaro ng DotA. Ang mga manlalaro ay nagtatawanan dahil naalala nila ang mga mali nilang nagawa habang naglalaro. Ngunit di lahat ay nagkaka-ayos pagkatapos ng laro. Ang iba ay naghahamon pa ng suntukan, ngunit hahantong din sa pagkakaibigan. Marahil sa larong DotA nasusubok ang tunay na pagkakaibigan ng kabataang Pilipino.