23 June 2007

R.A. 1425 at ang pagtutol ng Simbahang Katoliko

R.A. 1425 o ang batas Rizal, isinasaad dito na ang bawat paaralan at unibersidad, pampubliko o probado, ay dapat magkaroon ng kurso tungkol sa buhay at mga gawain ni Jose Rizal. Dahil sa batas na ito, tutol ang simbahang katoliko na ituro ang mga nobela ni Rizal lalu na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.


Ayon sa aritkulo ni Ambeth Ocampo sa Inquirer noong Mayo 4, 2007, nakakainsulto daw sa pananampalataya ng simbahan ang mga nobela ni Rizal. Ayon sa tagapagsalita ng simbahan, sang ayon sila sa pagpapabasa o pagtuturo ng mga gawain ni Rizal. Ngunit hndi sila sang ayon sa pagpapabasa ng nobela ni Rizal dahil maari ito magbago ang pananaw ng mga tao sa simbahan o maging kasiraan ito sa simbahan. Kung matatandaan, ayon sa nobela, ang mga prayle ay mayroong diskriminasyon sa ama ni Ibarra dahil tutol siya sa simbahang katoliko. Isa pa, ang mga indulgencia na hinihingi ng mga prayle, kung masmataas ang bayad mas mapapalapit sa langit ang ipinagdarasal, huli ang panggagahasa ng mga prayle sa kababaihan. Ang ganitong eksena ay makikita rin sa paelikulang Jose Rizal ni Marilou Diaz-Abaya. Dahil sa mga eksenang ito, maaring mabaliktad ang pananaw ng bawat katoliko sa panahon ngayon.


Para sa akin, tama lang na ituro ang mga gawain ni Rizal sa mga paaralan, dahil nagpapakita ito ng pagiging makabayan. Isa pa rito, makikita ang malaking pagbabago ng simbahan noong panahon ni Rizal at panahon ngayon. Noon mga pari galling sa Espanya ang namumuno, ngunit ngayon, mga kapwa Pilipino na rin ang nagpapatakbo ng simbahan. Hindi na nila magawang tumutol sa simbahan dahil nga kapwa Pilipino ang nagpapatakbo ng simbahan. Huli, nasa pagiisip ng tao kung sila ay maniniwala sa nobela ni Rizal o itututring nalang ito bilang isang gawaing pampanitikan.

4 Comments:

At 24 June, 2007 18:51 , Anonymous Anonymous said...

eh..? hahaha.. this one's deep and something profound. hahaha.. i believe this is your reaction paper in kaspil noh..? hahahah.. lol. you do agree..? acckkk! i think rizal sucks a bit.. we've been studying about him since kid particularly in our high school. so why heck study him all over again..? (well, though it's much comprehensive this time.) i still don't get the idea of having it as a law. hahaha.. oh wells. back at yah!

 
At 13 April, 2011 09:07 , Anonymous Anonymous said...

very well said!!!

 
At 13 April, 2011 09:07 , Anonymous Anonymous said...

very well said!!!

 
At 08 March, 2022 17:08 , Blogger Unknown said...

Shhhhhhhhh. I bet you will not say anything against Rizal if you truly know him and study his workss

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home