At Ako'y Inanod (Pepita's Version)
/************************************************************************************/
/* Please Comment!!!!! Please Correct the Errors!!! */
/* Thanks!!! Then I'll Post The Revised One */
/************************************************************************************/
At Ako'y Inanod (Pepita's Version)
Hindi ako makatulog tuwing gabi. Pilit akong pinipikit ang aking mga mata, niyayakap ng mahigpit ang aking unan. Ngunit patuloy na umiikot ang aking isipan sa mga nangyari nitong nakaraang mga buwan. Pinipilit kong kalimutan ang lahat. Hindi na ako masyadong dumadaan sa Letoile Parlor. Kung dadaan muli ako, babalik nanaman ang mundo kung saan pilit akong tumatakas. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kapag nanunumbalik sa aking isip ang mga pangyayaring ito, minsan idinadaan ko nalang ito sa tawa. Minsan ako ay nagliliwaliw nalamang sa park, minsan naman sa isang lugar na masaya, tulad ng peryahan, sinehan at minsan sa lugar ng aking mga kaibigan. Ngutnit sa kabila ng aking mga pagiisip at pagngiti hindi makakaila ang lungkot sa aking muka.
Kuya, alam mo at ni mama ang ugali ko. Alam mo rin kung kalian ako masaya at kalian ako nasasaktan. Naalala ko dati noong nadapa ako habang naglalaro tayo ng taguan, nadapa ako habang nakikipag habulan sa taya. Lahat sila na mga kalaero natin ay tumawa maliban sayo. Ikaw ang tumulong sakin tumayo. Ikaw ang umakay sa akin patungo sa atin bahay. Ikaw ang tumawag kay mama at ipinaalam na nasaktan ako. At ikaw rin ang umaway sa mga kalaro natin na nangaasar sa akin.
Noong isang araw habang ako ay nagiisip, naalala ko ang mga sinasabi ni mama tungkol sa mga relasyon ng babae at lalaki. Sabi nya na dapat ang isang magaaral ay hindi nakikipagibigan sa salungat na kasarian. Ginawa ko naman ito. Ngunit nang makita ko si Loloy na may mga kasamang babae. Tila nagiba ang aking pananaw sa sinabi ni mama. Hindi ko naman sinasabing masamang impluwensya si Loloy, ang sa akin lang, bakit bakit hindi pinagbabawalan si Loloy ng kanyang ina. Baka marahil matanda na kayo at alam nyo na ang tama at mali. Hindi ko naman kayo mapipigilan dahil wala akong magagwa. masmatanda kayo sa akin.
Kagabi hindi na talaga ako makatulog. umiikot ang aking mundo. Narinig ko na ang tilaok ng mga manok mula sa kapitbahay nating madalas mag sabong. Hindi ko maiisip ang aking gagawin. Kaya naman, habang naghihintay ng pagsikat ng araw, naisipan ko sabihn sayo ang tunay na nangyari sa aming dalawa. Hindi ko magawang sabihin sayo ito harapan kaya naman ginawa ko ang liham na ito.
Noong isang araw nang ikaw ay umalis, hindi ko alam kung saan ka nagtungo, sumaglit si Loloy sa bahay. Umiikot ang kanyang mga mata. Nagtungo siya sa hardin, sala at ang huli sa kusina, kung saan naghuhugas ako ng pinagkainan natin. Ngunit nang hindi ka niya nakita, tinanong niya ako “Nasaan si kid?”, napasagot agad ako ng “ewan, umalis siya”. Umupo siya sa sala sa may tabi ng telepono. Naghanap siya ng babasahin, kinuha niya ang pinakabagong isyu ng Graphic na binili ni mama noong isang lingo. Hihintayin ka daw niya. Sinisilip ko siya mula sa kusina. Matapos ko maghugas ng mga pingan, nagliwaliw muna ako sa hardin. Sumayad sa aking isip ang babaeng kasama ni Loloy lagi. Sinilip ko siya sa sala, nagbabasa parin siya ng Graphic. Habng sumusilip, may boses na nagsasabi sa akin na dapat ko siya lapitan ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili. Ilang minuto pa ang lumipas. Hindi na ako nakapagpigil pa. Parang may hangin na tumutulak sa akin patungo sa kanya habang ako naman ay nagpipigil sa paghakbang. Hindi niya marahil napapansin na lumalapit ako sa kanya, hangang sa tumigil ako sa harapan niya. “Kamusta na si Sonia?” sabi ko sa kanya, hindi niya siguro narinig dahil hindi agad siya nakasagot. Uulitin ko sana ang tanong ko, bigla siyang nag salita “ Ewan, hindi ko na alam ang nangyari sa kanya”. Bumalik siya sa kanyang pagbabasa.
Isang tanong nanaman ang ibinulong sa akin ng isang boses na hindi ko lam kung saan galling “Nakaramdam ka na ba ng tunay na pagibig?”. Matagal nanaman siyang nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay ang kanyang sagot. Sa wakes sumagot narin siya “Tunay na pag-ibig?”. Naramdaman ko ang ibig sabihin ng kanyang sagot. Agad ako nagtungo sa aking kwarto sa itaas. Hindi ko maipinta ang aking muka. Hindi ko lama kung bakit ako nagkakaganito. Marahil nakakasakit iyon sa parte ng isang babae o marahil gusto ko siya. Hindi ko alam.
Isang umaga, noong pumunta kayo ni mama sa palengke para mamili ng makakain, naiwan ako para magwalis sa ating bakuran. Dumating si Loloy. Hinahanap ka niya. Hindi ako umimik. Inulit niya ang tanong “Nandiyan ba si Kid?”. Napansin ko sa tono ng kanyang boses na parang mayroon kayong pupuntahan kaya napilitan ako sumagot. “Hindi ko alam!”. Napatigil siya sandali at biglang nagsalita, “Pepita galit ka sa akin?”. Nagwalis pa ako ng ilang saglit. Pagkatapos nito agad akong pumasok sa ating bahay patungo sa kwarto. Sumunod si Loloy. Pinuntahan niya ako sa kwarto. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at muling nag tanong “Pepita galit ka ba sa akin?”. Pilit kong nilalayo ang aking mga mata sa kanya. Wala ako magawa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Kaya tumingin na lamang ako sa kanyang mga mata. Matagal kami nagkatitigan. Bigla ako hinalikan ni Loloy. At doon na nangyari ang mga hindi dapat mangyari. Hindi naming ninais ang mha nangyari nang umagang iyon. Kaya hangang ngayon umiikot ang aking mundo sa nakaraan. Naglalakbay parin ang aking isipan.